Edukasyon para sa lahat ng ating mga anak: Pagtanggap sa magkakaibang kultura

Summary

Ang Aotearoa New Zealand ay nagiging mas magkakaiba sa etnisidad, at napakabilis ng pagbabagong ito. Pinakamabilis na nangyayari ito sa mga lungsod, ngunit ang pagkakaiba-iba ay nangyayari sa buong bansa. Sa hinaharap, karamihan ng ating mga mag-aaral ay magmumula sa mga etnikong komunidad at magsasalita ng iba't ibang wika. Pagdating ng 2043, inaasahan na mahigit isa sa apat na mag-aaral sa Aotearoa New Zealand ay magmumula sa isang etnikong komunidad. Sa Auckland, inaasahan na mahigit dalawa sa limang mag-aaral ay Asyano.

Mahalagang matugunan ng edukasyon ang mga pangangailangan ng lahat ng ating mga anak, kabilang ang mga mag-aaral na mula sa mga etnikong komunidad. Natuklasan ng ulat na ito na maraming mga mag-aaral mula sa mga etnikong komunidad ang nagtatagumpay sa edukasyon ngunit kumakaharap sa kalat na kalat na rasismo, pagkakabukod, at kawalan ng pag-unawa sa kultura.

Dapat nating makamit ang mahalagang pagbabago kung ang Aotearoa New Zealand ay magiging isang napakagaling na lugar sa pagkatuto para sa mga bata at kabataan mula sa mga etnikong komunidad.